Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Paano Mapanatiling Matatag at Buo ang Pamilya

Ang pamilya ang pinaka maliit na yunit ng lipunan, subalit ito ang pinalamalaking biyaya na ating natanggap mula sa Poong maykal.
di ba kay sarap isipin na buo at matatag ang isang pamilya, yung kahit na hindi kayo mayaman basta lahat sama-sama di ba kay gandang isipin na  sabay-sabay niyong  haharapin at malalampasan ang mga pagsubok na darating .
Sa panahon ngayon maraming nawawasak na pamilya sa maraming dahilan kagaya nalang ng kawalan ng oras at hindi pagkakaintindihan ng mag asawa na maaring maging sanhi ng pangangaliwa ng at paghihiwalay.
Pag nawasak ang isang pamilya sino ba ang mas lubos na naapektuhan? Di ba nag mga bata. Sino ba  ang mas ka awa-awa ? Di ba ang mga bata.


Kaya upang mapanatiling matatag at buo ang isang pamilya narito ang ilang mga paraan at dapat gawin.
1.  Panatilihing nasa gitna ng pagsasama Diyos, di ba nga may kasabihan tayong " a family that prays together, stays together".    
                                                                                   
2.Paglaanan ng oras ang pag usap-usap ng buong pamilya, magkabonding kahit isa sa isang buwan lang hindi puro trabaho lang ang iisipin.                                                                                                 

3.  Respetuhin at igalang ang desisyon ng bawat isa.                                                                                  
                                                                               
 4. Bigyan ng oras ang iyong asawa, magdate din kayo minsan suyuin mo rin upang naramdaman niyang        mahal na mahal mo siya.

5. Tratuhin ng pantay-pantay ang mga anak, huwag  iparamdam sa kanila na may mas mahal upang               maiiwasan ang pagseselos nito na maging sanhi ng away magkapatid.

Isa din ako sa produkto nang hindi kompletong pamilya, kaya alam ko kung gaano kahirap at kalungkot ang lumaking hindi kasama ang ating mga magulang. Subalit sa sitwasyon namin hindi na namin pwedeng mabuo ulit ang aming pamilya dahil Diyos na mismo ang may dikta. Kinuha na niya ang aming pinakamamahal na ama.  Ganon paman nanatili parin kaming matatag at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. 



3 komento:

  1. Playtech - New Zealand's #1 supplier of gaming equipment
    Playtech, an innovator herzamanindir.com/ of software งานออนไลน์ and herzamanindir services for online filmfileeurope.com gaming and iGaming products, have partnered with supplier casinosites.one Casino.

    TumugonBurahin